Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Isinagawa nitong Miyerkules ng hapon ang send-off ceremony sa aabot sa 2,000 pulis na siyang magse-secure sa mga delegado ng Davao International Convention (ICon) na isasagawa sa Lanang, lungsod ng Davao.

Magsisimula ang nasabing kombensyon ngayong Hunyo 20 hanggang 21.

Kabilang sa mga security personnel ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), Davao City Police Office (DCPO), Task Force Davao (TFD), Traffic Management Center, mga kinatawan ng Traffic Group (TG), mga kasapi ng Public Safety and Security Command Center (PSSCC), at kasapi ng Presidential Security Group (PSG) na pinangunahan ni Lt. Col. Francia.

Isinagawa ang send off ceremony sa DCPO ground sa pangunguna mismo ni DCPO Director P/Col. Alexander Tagum.

Kabilang sa mga foreign delegates na dadalo sa convention ang mga delegado mula sa bansang China, Singapore, South Korea, Malaysia, at Europe.

Inaasahang aabot sa 500 delegado ang dadalo sa nasabing pagtitipon.