-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinangunahan ni incoming Senate President Juan Miguel Zubiri ang inauguration ng mga newly elected officials sa Iloilo City.

Kabilang sa mga nanumpa ay sina Uswag Ilonggo Party list Rep. Jojo Ang, Iloilo City Lone District Rep. Julienne JamJam Baronda, Iloilo City Mayor Jerry Treñas at mga myembro ng Sangguniang Panglunsod.

Sa kanyang talumpati sa lungsod, sinabi ni Zubiri na nararapat na pangalagaan ng mga bagong halal na opisyal ang ibinigay na tiwala ng publiko.

Ipinangako rin nito na bilang re-elected public servant, kabilang sa kanyang tutukan ang pagpapalago ng Visayas lalo na sa sektor ng edukasyon, kalusugan, turismo at social services.