-- Advertisements --

Nilinaw ni Sen. Koko Pimentel na hindi nagmula sa kanilang panig ang pagkaladkad kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, para usapin ng pagpili ng dadalhing kandidato ng PDP-Laban.

Ayon kay Pimentel, ang mga pahayag niya sa mga nakalipas na araw ay nakasentro kay Energy Sec. Alfonso Cusi at Atty. Melvin Matibag.

Giit nito, hindi niya isinasali sa internal na banggan ng kanilang partido ang isang outsider.

Una rito, pinuna ni Mayor Sara ang panig grupo ng kaniyang ama dahil sa paggamit daw sa kaniyang pangalan para sa mga isyu ng nagkakawatak-watak na PDP-Laban.

Ang alkalde ay nagtataguyod ng Hugpong ng Pagbabago, na isang regional political party.

-- Advertisement --