Sen Kiko and Sharon
Sen. Kiko and Sharon

Kinontra ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakaroon ng problema ang pagsasama nila ng asawang si Sharon Cuneta.

Sa kaniyang social media, nagpost ang senador ng larawan na katabi ang asawang singer/actress.

Wika rin ni Sharon na kung sakaling nagkaroon man ng problema sa kanilang pagsasama ay mismo siya ang magkukumpirma nito.

Magugunitang sa kaniyang talumpati noong Andres Bonifacio Day, sinabi ng pangulo na bababa ito ng puwesto kung nagsisinungaling siya na pinapalayas sa kanilang bahay ang senador dahil sa problema sa kanilang pagsasama.

Kabilang kasi na binanatan ng pangulo ang senador dahil sa batas na iniakda nito na nagpapababa sa minimum age ng criminial responsibility sa 15-anyos.