-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senator Ronald Bato dela Rosa na hindi kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa narco-list ng PNP noong hepe pa ito ng naturang organisasyon.

Ito ay taliwas naman sa naunang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Senador, ang buong termino nito bilang PNP chief noon sa ilalim ng Duterte administration, na mayroong mga chismis lamang pero hindi niya kailanman nakita ang pangalan ni Pangulong Marcos sa anumang listahan ng mga personalidad na sangkot sa iligal na kalakalan ng droga.

Hindi rin aniya inimbestigahan si Pangulong Marcos o pinagsuspetsahan na sangkot sa iligal na droga.

Ang pahayag na ito ng Senador ay pareho naman sa nauna ng paglilinaw ng Philipine Drug Enforcement Agency na wala sa kanilang drug watchlist si PBBM.

Maaalala nang maupo si dating ng Rodrigo Duterte noong 2016, inihayag nito na mayroon siyang listahan ng mga sangkot sa iligal na droga sa ikinasang war on drugs ng dating adminsitrasyon na tinawag niyang narco-list na kalaunan ay naging Inter-Agency Drug Information Database.