Sasailalim sa masusing checkup si opposition Sen. Leila de Lima para kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Nabatid ng Bombo Radyo na umalis sa Camp Crame detention facility ang convoy ng senadora kaninang alas-10 ng umaga at agad dumiretso sa MaDocs na nasa lunsod ng Maynila.

-- Advertisement --

Una rito, pinayagan na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 si De Lima para sumailalim sa ilang test.

Bago ito, naghain ng urgent motion ang kampo ng mambabatas para masuri siya ng kaniyang manggagamot.

Nabatid na taong 2018 o isang taon matapos siyang makulong nang may nadiskubreng namumuong laman sa atay ng mambabatas.

Pero hindi ito naoperahan noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakasuot ng face mask, face shield at iba pang protective gear ang senadora para maiwasang ma-expose ito sa kumakalat na virus.