Reading Time: 1 minute
LEILA DE LIMA
Senator Leila De LIma

Natuloy din sa pagtungo sa Bicol si Sen. Leila de Lima para bisitahin ang kaniyang ina na may sakit.

Pasado alas-4:00 ng madaling araw kanina nang makasakay na ang senadora sa eroplano mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Nanggaling ang senadora sa kanyang pagkakakulong sa PNP Custodial Center at ito ay pinayagan ng korte na makabalik ng hanggang 48 oras.

Nakasaad sa kautusan ng korte ng Muntinlupa na maaaring manatili ang senadora ng walong oras sa loob ng pagamutan kung saan naroon ang kaniyang ina.

Mahigpit namang ipinagbabawal ang panayam ng media ganon din ang paggamit ng mga gadget gaya ng cellphone.

Magugunitang noong Mayo ay pinayagan ito ng korte na makaboto ganon din ang pagdalo sa thanksgiving dinner ng kaniyang anak na pumasa sa bar exam.