Bantay sarado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) si Sen. Leila de Lima nang bumoto ito sa Santa Rita College sa Sucat, Parañaque City.

Magugunitang una nang pinayagan ng korte si De Lima na makaboto kahit nakabilanggo ito para sa iba’t-ibang kinakaharap na kaso.

Binigyan ng tyansa ang mambabatas na makalabas ng PNP Custodial Center mula alas-12:00 ng tanghali, hanggang alas-2:00 ng hapon.

Nagtaas pa ng kamay ang senadora matapos bumoto at ipinakita ang kaniyang daliring nilagyan ng indelible ink, bilang patunay na matagumpay nitong natapos ang proseso.

Agad namang tumulak ang convoy ng mga pulis pabalik ng Camp Crame, makalipas ang pagboto ni De Lima.