LEGAZPI CITY – Arestado na ang suspek sa pananaga sa mismong live-in partner nito sa Brgy. Coro-coro, Tiwi, Albay.

Ang biktima ay isang Maria Comida, isang overseas Filipino worker (OFW) habang suspek ang kinakasama umano na si Juan Cending.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Jonel Moratalia, hepe ng Tiwi PNP, tinitingnang selos ang pinag-ugatan ng insidente na dahilan upang pagtatagain sa kaliwang paa ng suspek ang OFW.

Nasa ilalim din aniya ng impluwensya ng alak ang suspek nang isagawa ang krimen.

Nagtangka pa itong tumakas subalit sa tulong ng isang concerned citizen, napasakamay pa rin ng mga otoridad.

-- Advertisement --

Samantala, nabatid naman na kakauwi lamang sa bansa ng naturang biktima matapos na magtrabaho abroad.

Desidido rin itong magsampa ng kasong frustrated homicide laban sa kinakasama.