-- Advertisements --

Ilan nga sa mga seller online ang nagpapatupad ng ganitong patakaran na nire-require ang unboxing video bago ikonsidera ang pag-refund ng pera ng buyer sakali man na depektibo ang kanilang nabiling produkto.

Ayon sa legal na perspektibo, bawal ang ganitong polisiya.

Kayat pinaalalahanan ang mga mahilig mamili online ng kanilang karapatan sa ilalim ng Republic Act. 7394 o ang Consumer Act of the Philippines.

Kung saan may karatapan ng isang buyer na nakabili ng depektibong produkto na humingi ng replacement, refund o repair para sa anumang sira ng biniling produkto.

Ang mga seller na tumangging mag-refund ng pera ay may penalty na P500 hanggang P20,000 at pagkakakulong ng 3 buwan hanggang 2 taon.

Maaari namang maghain ng kanilang reklamo ang mga online buyers sa DTI Fair Trade Enforcement Bureau.

Una rito, noong nakalipas na linggo, nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko laban sa mga online seller na nag-iimplementa ng no video, no refund policy dahil maaari aniyang mangyari ang gawain ng mapanlinlang na pagbebenta bago, sa kasagsagan at pagkatapos maibenta ang produkto.