Reading Time: 1 minute

BANGKOK – Nagkasundo ang 10 bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na kilalanin ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, katatagan, Safety and freedom of navigation and overflight sa South China Sea.

Kabilang sa ASEAN member countries ay ang Pilipinas, Thailand, Vietnam, Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei, Laos, Cambodia at Myanmar.

Sa ASEAN Leaders’ Vision Statement, sinabi ng mga ASEAN leaders na nagkasundo sila na magtulungan para sa implementasyon ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at ang mas mabilis na pagbuo ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.

Nagkasundo rin ang 10 ASEAN countries na magpamalas ng self-restraint upang makaiwas sa mga hakbang na mas magpapalala ng sitwasyon.

Nagkaisa rin ang mga ito na gumawa ng mga mapayapang solusyon sa disputes at sumunod sa international Law partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, habang pinapalalim pa ang mutual trust and confidence sa bawat isa.