paskuhan2

Pinaplantsa na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipatutupad na security measures para sa “Ligtas Paskuhan” 2020 na may pagsunod sa health and safety protocols.

Ayon kay NCRPO chief B/Gen. Vicente Danao Jr., hindi magiging hadlang ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pagganap ng mga pulis sa kanilang trabaho lalo na ngayong holiday season.

“Let us live with the virus and do not allow Covid-19 to hinder our responsibilities of keeping Mtero Manila safe and secured,” ani Danao.

Kamakailan ay isinagawa ang final joint coordinating meeting kaugnay sa ipapatupad na deployment plan para sa “Ligtas Paskuhan” 2020.

Ang nasabing pulong ay nakasentro sa pagbuo ng mga istratehiya para maging matagumpay ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kasagsagan ng Christmas season.

Nagkaisa ang NCRPO at ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na palakasin pa ang kanilang koordinasyon, gayundin ang “focused concerted efforts, collaboration and communication.”

Binigyang-diin naman ni Danao na ipatutupad nito ang istriktong inspeksyon sa mga pulis na nakadeploy sa kalye ngayong holiday season.

“Let us maximize our presence in the field to prevent crime and terrorism. Let us continue to collaborate and open our communication for better coordination,” dagdag ni Danao.

paskuhan1