Naniniwala ang PNP SOSIA o supervisory office for security and investigation agencies na hindi nasunod ng security provider ng Resorts World Manila ang kanilang security plan dahilan sa marami ang naitalang nasawi at nasugatan.

Ayon kay PNP SOSIA, assistant chief, S/Supt. Ildebrando Usana, batay sa mga salaysay at kwento ng mga tauhan ng NC Lanting Security Agency na tila hindi alam ng mga security guard ang gagawin oras na may mangyaring hindi inaasahan sa lugar na kanilang binabantayan.

Pero nanindigan ang NC Lanting security agency na nasunod nila ang security plan gaya na lamang ang ginawang pag-evacuate sa mga tao sa loob ng casino.

Sinabi ni Usana na hindi na sana kakailanganin ang evacuation kung napigilan na agad ang suspek bago pa ito pumasok sa establisyemento bagay na nakasaad sa security plan.

Pinababalik naman ng PNP SOSIA ang NC Lanting sa Kampo Crame para iprisenta ang kanilang security plan kasama ang mga affidavit ng mga guwardyia na nakakita sa suspek at sa mga rumisponde sa pag-atake.

Una nang kinilala ng NCRPO ang suspek na si Jessie Carlos, 42, dating empleyado ng Department of Finance (DOF) na baon sa utang at nalulong sa casino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here