CENTRAL MINDANAO – Nagtamo ng matinding sugat, paso at pasa ang isang segurity guard nang matagpuan ang bangkay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Angelito Omictin, 39, nakatira sa Barangay Calawag, Pikit, North Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police, Major Mautin Pangandigan, nagtamo ang biktima ng mga sugat, pasa, pagkabali ng buto at sunog sa katawan matapos itong makita ng mga kaanak sa Brgy Genatilan sa bayan ng Pikit sa gilid ng taniman ng mais.

Posibleng naligaw umano ang biktima sa sobrang kalasingan at hindi na nakabalik sa kanyang pamilya kung kaya ay napagtripan ng mga hindi kilalang suspek.

Sinabi ng mga kaanak na wala naman umanong kaaway ang security guard kung bakit ganito na lang ang inabot nito.

Nanlulumo ngayon ang pamilya at iba pang mga kaanak sa sinapit ng biktima.

Sa ngayon patuloy pang iniimbistigahan ng kapulisan ng Pikit kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa biktima.