DAVAO CITY – Nasampahan na ng kaso ang 33-anyos na lalaki matapos na napatay nito ang kanyang sariling kapatid dahil sa kanyang galit matapos malaman na naging kasintahan nito ang kanyang dating girlfriend.

Una nito, binaril ng suspek na si Jaime Panerio, 33, ang sarili niyang kapatid na si Mitchie Panerio, 28, may asawa, magsasaka at isang Elmon Calugas, 31.

Nangyari ang insidente sa Lower Pogpog, Barangay Sibulan, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sa imbestigasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station, lumalabas na nag-inoman ang tatlo sa labas ng kanilang bahay at ng pumasok ang suspek sa bahay naabotan umano nito sa loob ang dati nitong kasintahan.

Dahil sa kanyang galit, kinuha nito ang kanyang 375 revolver ang pinagbabaril ang dalawa na siyang dahilan ng kanilang kamatayan.

Ayon pa kay Jaime, ginawa umanong kalaguyo ng kanyang nakababatang kapatid ang dati nitong kasintahan kung saan pinatunayan umano ito ng kanilang kaibigan.

Hindi na tumakas ang suspek at agad itong hinuli ng otoridad.

Nakakulong na ngayon si Panerio sa Sta. Cruz Municipal Police Station habang nakaburol naman ang bangkay ng mga biktima sa kanilang bahay.