DAGUPAN CITY- Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang isang security guard matapos maaresto sa checkpoint operation sa kahabaan ng Barraca-San Nicolas By-Pass Road sa Brgy San Nicolas Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Johnny Mariano, 44-anyos, may asawa at resident ng Salcedo, San Manuel, Tarlac.

Nakuha sa kanya ang isang caliber 22 revolver na walang serial number, limang bala, fragmented hand grenade at dalawang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalang shabu.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591 Illegal possession of firearm.