BANAC
PNP Spokesperson

Pinag-aaralan na sa ngayon ng security cluster at patuloy ang isinasagawang security assessment para may maging basehanng Philippine National Police (PNP) kung magdedeklara ba ng holiday truce sa Communist Party of the Philippines (CPP) New Peoples Army (NPA).

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, sa ngayon ngapapatuloy ang kanilang law enforcement operation sa rebeldeng NPA lalo na ang mga may standing warrant of arrest.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati at pagsaludo ang PNP sa pangunguna ni PNP OIC Lt Gen. Archie Gamboa sa lahat ng atletang Pinoy na nagbigay karangalan sa bansa sa SEAGAMES 2019.

Ayon kay Banac hindi na nalalayo na tatanghalin ng champion ang Pilipinas.

Sa December 11 ang closing ceremony ng SEAGAMES 2019.