Masaya at nag-enjoy umano ang Cebuano composer na si Jose LG Fuentes na sa ikalawang pagkakataon, naiparinig nito sa harap ng maraming taong nanonood sa buong mundo ang kanyang naisulat na kanta sa ginanap na 3rd Bombo Music festival na idinaos noong Sabado sa West Visayas State University sa Iloilo.

Muling nasungkit ng binata ang pagiging second runner up at napanalunan pa nito ang Best Interpreter sa kanyang kantang LDR o Long Distance Relationship. Nag-uuwi naman ito ng kabuuang P180,000.

Kung maaalala, naging second runner-up din ito sa kanyang kantang Panumpa sa 2nd Bombo Music Festival noong nakaraang taon.

Inanyayahan naman ni LG ang lahat na pakinggan ang iba pang mga bago nitong mga kantang irirelease ngayong taon.

Nagpaabot pa ito ng kanyang mensahe at pasasalamat sa lahat matapos ang kompetisyon.

-- Advertisement --