OPAPP carlito galvez
Presidential Peace Adviser Carlito G. Galvez, Jr. 

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na si OPAPP Secretary Carlito Galvez Jr. ang kasalukuyang chief implementer sa hakbang ng gobyerno para sa programa na pigilan ang paglaganap ng nakamamatay na virus ang COVID-19 sa ilalim ng National Action Plan.

Sa isang pahayag na inilabas ng kalihim, sinabi nito kasama si Galvez at DILG Sec Eduardo Año na kanilang sisiguraduhin na istriktong ipatutupad ang enhanced community quarantine.

Sinabi ni Lorenzana walang dapat ipangamba ang sambayanan dahil ang gobyerno ang tututok sa mga pangagailangan partikular sa logistics.

Layon nito para ang mga nasa frontliners lalo ang mga health workers ay makapag-concentrate sa kanilang trabaho partikular sa pagsasagawa ng tracing, pag-isolate sa mga PUM at PUI at paggamot sa mga biktima ng COVID-19.

Ayon kay Lorenzana si Sec Galvez ang siyang mangangalaga sa pang-araw araw na operasyon ng task force.

Nanawagan naman ang kalihim sa sambayanan na gawin din nila ang kanilang parte partikular sa pagsunod sa umiiral na lockdown nang sa gayon hindi na kakalat pa ang virus.