Pinaalalahanan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na panatilihin ang integridad sa trabaho.

Ginawa ng kalihim ang paalala sa kaniyang unang flag raising ceremony sa Camp Crame bilang caretaker ng PNP.

Sinabihan niyo nito ang mga pulis na bumalik sa kung saan sila nagsimula.

Pangalagaan ang kanilang organisasyon at huwag itong hayaang masira.

Mensahe nito na sa oras aniya na maharap sa tentasyon ang mga pulis i-recite lamang ang police officer’s pledge.

-- Advertisement --

Huwag tumanggap ng pera mula sa iligal lalo na sa illegal drugs.

Pinaalalahanan din ni Ano ang mga pulis na maging “physically fit” sa trabaho ng sa gayon maging laging handa sa oras na magkaroon ng krimen at kailanganin ang kanilang tulong.

Samantala, pinuri naman ng kalihim ang tagumpay ng PNP sa nakalipas na taon.

Kabilang na dito ang kanilang pinaigting na internal cleansing campaign at mataas na bilang ng mga naarestong drug suspek.