Itinigil na ng Bangsamoro government ang search and retrieval operations sa mga barangays lubhang hinagupit ng Bagyong Paeng matapos ideklara na malabo ng makapag retrieve pa ng mga survivors.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo, kanilang napagdesisyunan na itigil na ang search and retrieval operations dahil halos isang linggo na itong isinagawa at ang tiyansa na makapag rekober ng suvivors ay malabo na.
Inirekumenda na rin ni 6th ID Commander MGen. Roy Gallido na idemobilized na ang itinayong Incident Command Post sa Barangay Kusiong pero ang mga heavy equipment na naka deploy sa nasabing lugar ay mananatili para maisa-ayos ang lugar at gumawa ng path way kung saan pwede dumaan ang tubig ulan at hindi mag over flow.
Ayon pa kay Sinarimbo kasalukuyang naka pokus sila ngayon ang kanilang relief at clearing operations.
Kasalukuyang nasa field ang mga assessment teams at kino-consolidate pa ng BRDRRMO ang kanilang datos lalo na sa sektor ng agrikultura at imprastraktura na malaki ang pinsala.
Iniulat din ni Sinarimbo na naka pokus ang kanilang clearing operations sa mga tinaguriang critical bridges at mga daan na nagkaroon ng mga landslides.
Dagdag pa ng opisyal na may mga tulay na rin ang restor gaya ng tulay sa Brgy Kaba kaba na kumukunekta sa Datu Blah at Upi.
Ang Lituan bridge sa Parang ay passable na rin para sa mga light vehicle.
Ang Sarakan bridge sa Matanog na kumukunekta sa Cotabato at Marawi at Pagadian City ay passable na rin para sa mga light vehicles.
Habang tinatapos na rin ng DPWH ang pag-sasa-ayos sa Labo Labo bridge na nagkokonek sa Cotabato at Gensan.