NAGA CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang seaman sa loob ng bahay nito sa Barangay Baya, Ragay Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Glorioso Alicaway, 57.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Major Ruben Perico, chief of police ng PNP-Ragay, sinabi nitong patuloy pang inaalam kung suicide nga ba o may foul play ang pagkamatay ni Alicaway.

Ayon kay Ruben pinaniniwalaan umano ng pamilya nito na suicide ang nangyari subalit patulo’y pa ang kanilang imbestigasyon dahil nakapagtatakang sa dibdib ang tama ng biktima sa halip na ulo.

Aniya, may problema sa pamilya ang biktima dahil isang linggo nang hindi umuuwi ang asawa nito sa kanilang bahay.

Nakuha sa pinangyarihan ng insedente ang caliber. 45 na ginamit ng naturang biktima.