Gina Iniong
Gina Inioing and President Duterte / FB image

Gagamitin ni kickboxing Southeast Asian Games gold medalist Gina Iniong ang kaniyang nakuhang cash incentives para sa kaniyang training.

Nakatakda kasing kaharapin nito si Asha Roka ng India sa Enero 31 sa Mall of Asia Arena sa ONE: Fire and Fury.

Sinabi nito na ang bahagi ng kaniyang nakuhang P850,000 bilang cash incentives ay ilalaan sa training habang ang iba ay sa balak nitong pagtayo ng negosyo.

Malaki naman ang tiwala nito na malalampasan niya ang kalaban niya ang kalabang si Roka dahil sa naging matinding ipinakita nitong laban sa nakaraang 30th SEA Games.