Tiniyak ng aktor na si Arnold Schwarzenegger sa kanyang mga tagahanga na wala silang dapat na ipag-alala sa kanya makaraang tamaan ito ng flying kick sa isang sports event sa South Africa nitong Sabado.

Bago ito, habang nakikipag-usap ang 71-year-old former California governor sa mga fans sa Arnold Classic Africa 2019 sa Johannesburg nang sipain ito sa kanyang likod.

“There is nothing to worry about. I thought I was just jostled by the crowd, which happens a lot,” wika ng “Terminator” star.

“I only realized I was kicked when I saw the video like all of you. I’m just glad the idiot didn’t interrupt my Snapchat.”

Agad namang napigilan ng isang security guard ang umatake kay Schwarzenegger. (Reuters)