Nagbigay ng $1-million o mahigit P51-M ang beteranong actor na si Arnold Schwarzenegger.

Ang nasabing halaga ay bilang donasyon para sa mga frontliners na lumalaban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ibibigay niya ang nasabing halaga sa Frontline Responders fund.

Hinikayat din nito ang mga kapwa artista na gayahin ang ginawa nito para tulungan ang mga frontliners at mga medical workers.