CAGAYAN DE ORO CITY – Nakalaya na ang isang school principal matapos umano mahuli dahil sa kasong oral defamation sa Sinacaban, Misamis Occidental.

Sinabi ni PSSgt. Russel Angela ng Aloran Police Station, nakapagpiyansa sa halagang P6,000 si Oliver Glenn Degunio, 30-anyos at principal sa St. Joseph High School sa nasabing bayan.

Nilinaw din ni Angela na hindi hinuli ang school principal bagkus ay nag-voluntary surrender ito matapos malamang may inilabas na warrant of arrest ang korte laban sa kanya.