Ikinasal si “Black Widow” star Scarlett Johansson at fiance na si Colin Jost.

Inanunsiyo ito ng Meals on Wheels ang charity institution na sinusuportahan ng dalawa na tumutulong sa mga may edad ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Naging simple lamang ang nasabing kasal kung saan tanging mga malalapit na kaibigan at kaanak ng dalawa lamang ang inimbitahan sa pribadong lugar.

Nagsimula ang actress at ang “Saturday Night Live” comedian noong nakaraang tatlong taon at noong Mayo 2019 ay na-engaged na ang mga ito.

Ito ang unang beses na ikasal ang 38 anyos na si Jost habang pangatlong beses na ikinasal ang 35-anyos na si Johansson na unang ikinasal kay Ryan Reynolds at French businessman Romain Dauriac kung saan mayroon silang isang anak na babae.