-- Advertisements --

Iginiit ng Supreme Court na hindi maaaring mag-issue ng traffic violations receipts o ordinance violation receipts ang mga lokal na pamahalaan dito sa Metro Manila laban sa mga motorista maliban na lamang kung ito ay otorisado ng Metropolitan Manila Development Authority.

Sa 42 pahinang desisiyon ng Supreme Court En Banc, nag isyu ito ng permanent injunction para ipag-utos sa mga LGUs na iwasan ang pag-iisyu ng ordinance violation receipts at pagkumpiska ng mga drivers license ng mga motorista sa pamamagitan ng kanilang sariling mga traffic enforcers.

Kaugnay nito ay idineklara na ng SC na null at void ang mga sections ng mga ordinansa ng Makati, Taguig, Paranaque, Pasay, Quezon City, San Juan, Navotas, Las Piñas, Pasig, Muntinlupa, Mandaluyong, Valenzuela, Caloocan, Manila, at Pateros.

Punto pa ng Korte Suprema, nag-issue na ang MMDA ng joint circular na nagpapatupad ng single ticketing system sa Metro Manila.

Ang naturang kaso ay nag-ugat sa inihaing apela ng ilang transport groups na humiling na baliktarin ang unang naging desisyon ng Court of Appeals na nagbasura sa petisyon laban sa naturang ordinansa dahil sa kawalan umano ng karampatang merito.

Ang pagbaliktad ng SC sa desisyon ay nagsasantabi na sa naging desisyon ng CA.