Ipinagpaliban ng Supreme Court (SC) ang pag-aksiyon sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyo Philippines sa SC, sa Marso 10 pa raw nila tatalakayin ang naturang petisyon.
Sa ngayon, patuloy pa raw ang isinasagawa ng mga mahistrado na deliberasyon sa petisyon ng pinakamataas na abogado ng pamahalaan.
Una rito, samu’t sari ngang paglabag ang inilatag ni SolGen Jose Calida sa kanyang quo warranto petition laban sa ABS-CBN Corporation at kanilang subsidiary.
Kabilang umano dito ang pang-aabuso sa privilege na ibinigay ng estado nang ilunsad nito at nag-operate ng pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus at KBO Channel na walang approval o permit mula sa National Telecommunications
Commission.
Gaya din umano ng Rappler, nag-isyu rin ang ABS CBN ng Philippine Deposit Receipts
(PDRs) sa pamamagitan ng ABS-CBN Holdings Corporation sa mga foreigners na paglabag sa foreign ownership restriction sa mass media.
Maging ang ABS-CBN Convergence, Inc. na dati umanong Multi-Media Telephony, Inc. ay nag-resort din sa ingenious corporate layering scheme para ilipat ang franchise na walang Congressional approval.
Bigo rin umano silang ilabas ang ano mang outstanding capital stock sa securities exchange sa bansa sa loob ng limang taon.
Maliban dito, hinahayaan din umano ng korporasyon ang mga foreign investors na makibahagi sa ownership ng Philippine mass media entity na paglabag sa foreign interest na nasa ilalim ng Section 11, Article XVI ng Philippine
Constitution.
Gaya din umano ng Rappler, nag-isyu rin ang ABS CBN Philippine Deposit Receipts
(PDRs) sa pamamagitan ng ABS-CBN Holdings Corporation sa mga foreigners na paglabag sa foreign ownership restriction sa mass media.
Sa kabilang dako ang ABS CBN Convergence, Inc. na dati umanong Multi-Media Telephony, Inc. ay nag-resort din sa ingenious corporate layering scheme para ilipat ang franchise na walang Congressional approval.
Bigo rin umano silang ilabas ang ano mang outstanding capital stock sa securities exchange sa bansa sa loob ng limang taon.
Pero ayon sa ABS CBN, otorisado ng National Telecommunication s Commission (NTC) ang paggamit ng ABS CBN ng conditional access system software na ginagamit nito sa pay-per-view.
Wala ring sinasabi ang prangkisa ng ABS CBN na bawal itong mag pay per view.
Maliban dito, mayroon din umanong certificate of good standing ang ABS-CBN TV Plus sa NTC noong 2019.