-- Advertisements --
supreme court 1

Agad ipinaliwanag ng Supreme Court (SC) kung bakit pinalawig pa hanggang bukas ang pagsasara ng kataas-taasang hukuman.

Sa inilabaa na memorandum na pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta kailangan daw ng mas mahabang oras para sa disinfection, paglilinis at sanitation sa compound at mga gusali ng Korte Suprema.

Dahil dito, mula sa dating schedule ng disinfection na Marso 11 hanggang 14 ay ieextend ito hanggang bukas.

Samantala ang mga komite namang mayroong naka-schedule na meeting ay papayagan pa rin ituloy pero depende na rin ito sa discretion ng Chairperson o head ng naturang Committee.

Ang mga court sessions ay ipagpapatuloy din sa pamamagitan ng videoconferencing pero ang Oral Arguments na naka-schedule bukas ay hindi na muna itutuloy dahil ang mga respondent at complainant ay kailangang magpakita ng personal sa SC.

-- Advertisement --

Kailangan namang present sa mga urgent matters ang mga concerned Chiefs o Heads ng mga Offices na inaasahang available ano mang oras.

Magkakaroon naman ng skeleton force sa mga on-duty personnel ng Medical and Dental Services, Security at Maintenance Divisions, Office of Administrative-Services ng Supreme Court ngayong araw at bukas.

Mula Miyerkules Marso 17 naman hanggang hanggang Biyernes Marso 19 ang lahat ng mga opisina ay mayroong 50 percent skeleton force para mapanatili ang physical distancing na anim na talampakan.