more power

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyong ibigay sa More Electric and Power Corporation (More Power) ang pamamahala sa electricity distribution facilities sa Iloilo City.

Ayon kay SC Spokesperson Brian Keith Hosaka 8-6 ang naging boto ng mga mahistrado pabor sa More Power kaugnay ng kasong inihain ng power distribution utility na Panay Electric Company (PECO).

Nag-ugat ang petisyon sa naging desisyon ng Mandaluyong city trial court na nagdedeklarang unconstitutional ang ilang probisyon sa prangkisa ng More Power.

Ang desisyon ng SC dito ay pagtibayin at sundin ang validity of More Power sa ilalim ng Republic Act No. 11212 na ipinatupad noong Pebrero 14, 2019.

Sa desisyon ng Mandaluyong court wala umanong obligasyon na ibenta ang assets ng PECO at ang More ay wala ring karapatang i-expropriate ang assets ng PECO sa ilalim ng Sections 10 at 17 ng RA 11212.

At ang karapatan daw ng PECO sa kanilang properties ay protektado laban sa arbitrary at confiscatory taking.

“The Supreme Court en banc (full court) ruled yesterday, September 15, in favor of More Electric and Power Corporation in the following petitions: More Electric and Power Corporation vs. Panay Electric Company, Inc. (GR No 248061) and Republic of the Philippines, More Electric and Power Corporation vs. Panay Electric Company, Inc. (GR No. 249406). In granting the petitions, the Supreme Court reversed the judgment of the regional trial court (RTC) of Mandaluyong City Branch 209 in Civil Case No. R-MND-19-00571, and declared Sections 10 and 17 of RA No. 11212 constitutional,” ani Hosaka.

two sections gave More Power, as the new distribution utility in Iloilo City, the powers of eminent domain and to expropriate any asset, including existing distribution assets in the city.

Kabilang sa mga pumabor sa More Power sina Chief Justice Diosdado M. Peralta, Senior Associate Justice Estela M. Perlas Bernabe and Associate Justices Alfredo Benjamin S. Caguioa, Alexander G. Gesmundo, Jose C. Reyes Jr., Ramon Paul L. Hernando, Rosmari D. Carandang, at Edgardo L. De Los Santos. 

Si Reyes naman ang sumulat sa desisyon.

Ang mga kumontra naman sa desisyon ay sina Associate Justices Marvic Mario Victor F. Leonen, Amy C. Lazaro Javier, Henri Jean Paul B. Inting, Rodil V. Zalameda, Mario V. Lopez at Samuel H. Gaerlan. 

Hindi naman sumali sa deliberasyon si Associate Justice Priscilla J. Baltazar Padilla.