Pinagpapaliwanag ng Supreme Court ang Land Transportation Office (LTO) at limang local government units sa Metro Manila kaugnay sa petisyon na inihain ng apat na transport groups laban sa umano’y unconstitutionality ng no-contact apprehension policy.
Gayundin ipinag-utos sa LTO at LGUs na i-justify kung bakit hindi dapat mag-isyu ng temporary restraining order ang Supreme Court para agad na ipatigil ang implementasyon ng NCAP.
Pinagsusumite ng kataas-taasang hukuman ang LTO at LGUs ng komento sa naturang petisyon at plea sa loob ng 10 araw.
Kabilang sa mga petitioner na tutol sa naturang polisiya ang Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, Inc. (KAPIT), Pangkalahatang Saggunian Manila and Suburbs Drivers Association Nationwide (Pasang-Masda), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).
Iginiit ng ng mga petitioners na ang naturang polisiya ay uncostitutional kayat ito ay invalid o walang bisa.
-- Advertisements --