Muling naglabas ang Supreme Court (SC) ng paglilinaw kaugnay sa mga lumabas na impormasyon at dokumento sa socal media at ilang electronic messaging platforms kaugnay sa eksaktong petsa ng paglalabas ng kataas-taasang hukuman sa resulta ng Bar Examination 2019.
Sa inilabas na advisory ng Korte Suprema, wala pang eksaktong petsa ng paglalabas ng resulta taliwas sa mga kumakalat na balitang sa Abril 15 ito ilalabas.
Ayon kay Senior Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe ang 2019 Bar Chairperson, kailangan pa raw ng SC En Banc na magpulong para pagdesisyunan ang pag-release sa resulta.
Iginiit ng SC na ang Public Information Office (PIO) lamang ang opisyla na magre-release ng official documents at information sa resulta.
Aabot sa 7,699 aspiring lawyers ang sumailalim sa 2019 Bar examination sa apat na linggo ng Nobyembre noong nakaraang taon.