Nakatakdang talakayin ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa pagbabalik ng SC en banc sa Hunyo 15 ang panuntunan sa paggamit ng mga body-worn cameras sa mga police operations.

Kasama ring tatalakayin ang ilang pagbabago sa pagpapalabas ng mga search at arrest warrants.

Dagdag pa ni Gesmundo na isinumite na ni Associate Justice Marvic Leonen sa SC en banc ang working draft sa revision tungkol sa pag-isyu ng mga arrest at search warrants.

Naniniwala din ito na maisasapinal ang lahat ng mga pagbabago hanggang sa buwan ng Hulyo.