-- Advertisements --

Nag-retiro na sa pwesto ang isa sa mga newly-appointed justices ng Supreme Court.

Ito ang kinumpirma ngayong araw ng public information office ng Kore Suprema.

Ayon dito, bumaba na sa pwesto si Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla dahil sa kaniyang kapansanan. Hindi naman ito nagbigay ng karagdagan pang impormasyon.

Sa edad na 62-anyos, itinalaga sa SC si Baltazar noong Hulyo. Siya ang ika-188 associate justice ng Supreme Court at nakatakdang mag-retiro sana sa 2028.

Nagtapos ito bilang magna cum laude sa Lyceum College of Law at nakuha ang ika-limang pwesto sa 1984 Bar Exams.

Sumali ito sa judiciary noong 1996 bilang presideing judge ng Metropolitan Trial Court of Manila Branch 29 at naging presiding judge naman ng Manila Regional Trial Court Branch 38 noong 2000.