-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Korte Suprema ng pagsibak sa serbisyo ng 3 empleyado ng Court of Appeals na nagpositibo sa shabu noong 2022.

Ito ay matapos madiskubre ng SC justices na may pananagutang administratibo sina Garry Caliwan, Edmundo Malit at Frederick Mauricio dahil sa paggamit ng iligal na droga salig sa Section 14(o) ng Rule 140 ng Rules of Court.

Una ng nagpositibo sa shabu ang 3 empleyado ng CA sa isinagawa noong 2022 na random drug test ng appellate court.

Ipinasa naman ng CA ang kaso sa Judicial Integrity Board na siyang nagrekomenda sa SC para sa dismissal ng mga ito.

Samantala, inrekomenda ng naturang board na ma-forfeit ang mga benepisyo ni Mauricio maliban ang kaniyang naipong leave credits matapos nitong piliing mag-early retirement sa halip na masibak sa serbisyo.

Inirekomenda rin ng board na madiskwalipika si Mauricio mula sa paghawak ng anumang public office.

Pumayag ang SC sa rekomendasyon ng board para sa dismissal bilang penalty dahil ito na aniya ang ikalawang pagkakataon na nagpositibo sa shabu ang mga empleyado ng CA.