supreme court

Binigyang diin ng Korte Suprema na hindi nila maaaring diktahan ang Department of Justice (DoJ) sa pagpapatupad ng Republic Act 10592 o ang good conduct time allowance (GCTA).

Sinabi ni Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin, ang kanila lamang mandato at pinagdesisyunan ay kung ang mga guidelines na inisyu ng DoJ hinggil dito ay tumatalima sa batas na dapat ma-retroact na kanilang dineklarang dapat masunod.

Hindi naman daw ito nagbabawal sa DoJ para baguhin ang kanilang internal rules.

Paliwanag ng punong mahistrado, basta naaayon sa batas, hindi nila pangungunahan ang DoJ sa usaping ito dahil ito raw ay kanilang sariling teritoryo.

Sinabi naman ni Bersamin, kung mayroon mang hindi kuntento sa pagbabago, kung may pagbabago man at nais itong kuwestyunin, maaari din naman aniya itong idulog sa SC.