-- Advertisements --

Nanawagan si House Deputy Speaker Mikee Romero kay Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang savings ng pamahalaan sa laban kontra COVID-19.

Ito ay matapos na sabihin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang P275 billion inilaang pondo ay posibleng kulangin sa P5,000 hanggang P8,000 na financial assistance na ibinibigay sa 18 million low-income families sa loob ng dalawang buwan.

Dahil mayroong enhanced community quarantine, sinabi ni Romero na napipilitan ang maraming opisina ng gobyerno na pansamantalang magsara, nakakaipon ang pamahalaan mula sa maintenance and other operating expenses ng mga ito.

Ang tanging ahensya lamang aniya na nagpapatuloy ang operasyon sa ngayon ay ang mga essenstial sa laban kontra COVID-19 tulad ng Department of Health, Office of the President, Philippine National Police, militar, at Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Romero, aabot sa P1.6 trillion ang MOOE allocation ngayong taon sa ilalim ng P4.1-trillion national budget.

“If we save 10 percent of that during the 45-day ECQ up to April 30, that will come up to P160 billion. If we save five percent, that is P80 billion in additional funds for financial aid to 18 million poor and near-poor families affected by the lockdown,” giit gng kongresista.