Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Magtatayo ang lokal na pamahalaan ng Baguio City ng multi-story satellite market building sa Barangay Gibraltar, Baguio City.

Ayon kay City Building official Engr. Nazita Bañez, mapoponduhan ang proyekto ng P40 million.

Aniya, magiging bahagi ng istruktura ang underground parking, refurbished stalls, food court at multi-purpose hall.

Una rito ay ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagtatayo ng City Buildings and Architectures Office (CBAO) ng satellite market na culturally-inspired na makakahikayat ng mas maraming turista.