Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mayroong sapat na supply ng langis ang mga paliparan sa buong bansa kung sakali mang makaranas ng ilang mga power interruptions ang mga ito sa gitna ng kinahaharap ng bansa patungkol sa krisis sa langis.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, bihira lamang magamit ang mga reserve fuel sa mga paliparan at nakahanda lamang kung sakaling magkaroon ng power failure sa mga supply na nattanggap ng mga ito mula sa labas.
Nauna naman na dito ay naganunsyo na ng reducing of flights ang ilang mga paliparan simula yan sa Abril hanggang Mayo dahil sa limitadong ruta at mababang bilang ng mga pasahero bunsod ng ongoing armed conflict sa Gitnang Silangan.
Ani Apolonio, inaasahan ang ganitong sitwasyon lalo na at tumaas na sa 100% ang fuel surcharge kung saan binigyang diin ng tagapagsalita ang epekto nito sa kita ng mga airlines.
Samantala, sa halos 44 commercially operated airports sa buong bansa na siyang nasa ilalim ng CAAP, tiniyak niyang lahat ng ito ay mayroong sapat na fuel supply sa kabila man ng krisis sa langis.
















