TACLOBAN CITY – Labis ang hinagpis ng pamilya ng siyam na buwang gulang na batang lalaki matapos itong malunod sa dagat malapit sa tinutuluyan nito sa Barangay Seawall, Baybay, Carigara, Leyte.

Ayon sa lola ng biktima, iniwan nito sa loob ng bahay ang sanggol para paliguan muna ang mga pinsan nito.

Laking gulat nito nang pagbalik ng bahay ay nawawala na ang biktima at nadatnan ang malaking butas sa kanilang sahig.

Posible umanong nahulog ang bata sa silong ng kanilang bahay.

Inabot sila ng dalawang oras bago nakita ang wala nang buhay na katawan ng sanggol.