ILOILO CITY- Patuloy pa na pinaghahanap ng otoridad ang magulang ng isang bagong silang na sanggol na natagpuan sa isang bakante lote na katabi ng isang unibersidad sa Dungon A, Jaro,Iloilo City.
Ayon sa residente sa lugar, may nakita itong isang malaking handbag sa nasabing lote at nang kanyang binuksan, tumambad sa kanya ang isang bagong silang na sanggol na wala nang buhay.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PEMS Cesar Penuela, Chief ng Police Community Relations (PCR) ng Jaro PNP, sinabi nito na batay sa kanilang imbestigasyon maaaring hindi residente ng nasabing barangay amng magulang ng sanggol dahil ayon sa mga tao sa lugar,wala namang buntis sa kanilang barangay.
Ayon kay Penuela, dinala na lamang ang fetus sa Jaro Cathedral upang mapabendisyunan bago ito inilibing sa Cuartero, Jaro Cemetery.
Sa ngayon, nirereview na ng otoridad ang mga CCTV footages malapit sa area upang mahanap ang sino man na nag-iwan ng sanggol sa lugar.