-- Advertisements --

Pinayagan ng Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada na maghain ng mosyon na umaapela para sa pagbasura ng 11 kasong graft laban sa kaniya kaugnay sa kontrobersiyal na P183 million nitong Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2004 hanggang 2012 dahil sa kawalan umano ng sapat na ebidensiya ng prosekusyon para i-convict siya sa kaso.

Sa isang resolution, pinagbigyan ng anti-graft court fifth division ang mosyon ng Senador na maghain ng demurrer to evidnce sa kaniyang graft charges.

Gayundin ang kaniyang kapwa akusado ay pinayagang maghain ng demurrer to evidence kabilang dito sina dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general Dennis L. Cunanan, dating Department of Budget and Management (DBM) undersecretary Mario L. Relampagos, DBM officials Rosario S. Nuñez, Lalaine N. Paule, at Marilou D. Bare.

Sa inihaing demurrer to evidence ng kampo ni Sen. Kinggoy, ipinunto nito na ni kailanman ay hindi siya nakipagkita kay pork barrel quuen Janet Lim Napoles o iba pang akusado para pag-usapan at sumang-ayon sa komisyon o kickbacks. Iitnanggi din nito na hindi siya nakipagkita sa staff ni Napoles at whistleblower na si Benhur Luy at iginiit na inilabas nito ang kaniyang PDAF sa legal na proseso.

Maalala, una ng inabswelto ng Sandianbayan si Sen. Jinggoy sa kasong plunder sa kaniyang PDAF subalit na-convict ito sa isang bilang ng direct bribery at 2 bilang ng indirect bribery.

Subalit sa panig ng Senador, una na rin nitong sinabi na kaniyang gagawin ang lahat ng legal na remedyo para mabaliktad ang naging hatol sa kaniya.

Kasabay ding naabswelto ang kapwa akusado ng Senador na si Napoles sa kasong plunder subalit ito ay nahatulang guilty sa 7 bilang ng corruption of public officials.