Tila “cravings satisfied” ang K-pop superstar na si Sandara Park matapos makakain ng Fili-pino Food kahit ito ay nasa South Korea.

Nitong weekend nang sadyain daw ng 36-year-old singer ang Pinoy restaurant sa naturang bansa at nasarapan naman siya.

Kuwento ng tinaguriang Pambansang Krung Krung, “super happy” siya sa mga kinaing sisig, adobong kangkong, garlic rice, at tinernuhan ng beer.

Kung maaalala, bumisita rin si Dara sa isang Pinoy shop sa Korea pa rin, at naging usap-usapan ang pagsasalita ng Tagalog habang nasa isang Korean show.

Si Sandara ay malapit sa puso ng mga Pinoy mula nang sumali sa isang talent show noong 2004 at nasundan ng matagumpay na acting and singing career bago bumalik sa South Korea.