Nagpaliwanag ang pamunuan ng San Lazaro Hospital (SLH) matapos sila ireklamo ng grupong Filipino Nurses United dahil sa kulang umanong suporta ng pagamutan sa mga health care workers na rumeresponde sa COVID-19.
BASAHIN: Statement ng San Lazaro Hospital management ukol sa panawagang tulong at proteksyon ng kanilang mga nurse na rumeresponde sa COVID-19. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/wAPANrLs9p
— Christian Yosores (@chrisyosores) July 12, 2020
Sa isang statement, isa-isang sinagot ng SLH management ang mga issues na binanggit ng nasabing grupo sa kanilang inilabas na pahayag noong Huwebes, July 9.
Kinumpirma ng pagamutan na may higit 40 confirmed cases na mula sa kanilang mga personnel. Pero ang bilang na ito ay mula pa raw noong Marso, nang magsimula silang tumanggap ng mga pasyente ng sakit.
“Aside from doctors and nurses, there were staff that tested COVID19 positive that are not involved in COVID19 patient care.”
Kinilala rin ng SLH management ang epekto sa pisikal, emosyonal at mental na aspeto ng limitadong bilang ng kanilang staff.
Kaya naman naglunsad na rin daw sila ng psychosocial at debriefing sessions sa mga health care workers. Regular din ang rotation ng mga staff kada-anim na buwan para maiba ang clinical work environment.
“To address this, the management agreed on the work schedule arrangement proposed and recommended by Supervisors and staff of the Nursing Division that allows less days of work in a week for them to have more rest days.”
Sa usapin ng personal protective equipment at N95 masks, nilinaw ng ospital na sapat ang kanilang supply para sa kasalukuyang 20-percent occupancy rate ng COVID-19 patients.
“The management is closely monitoring and doing daily inventories to ensure that supplies of PPEs including N95 are always available to cater to the needs and protection of our frontliners.”
Habang sa transportasyon at accommodation ng health care workers, tiniyak ng SLH na tuloy-tuloy pa rin ang paglalaan nila ng shuttle service at hotel rooms sa kanilang frontliners.
Dumepensa naman ang ospital hinggil sa utos na muling paggamit ng N95 face masks ng mga nasa 12-hour shift. Pati na sa sinasabing hindi patas na pagpapasahod at pagbibigay ng hazard pay.
“Reuse of N95 is allowed under certain conditions within the policy and infection and control guidelines recommendation.”
“SLH is compliant in the giving of salaries and benefits in accordance to budget appropriation and guidelines.”
Nilinaw ng ospital na iginagalang at kinikilala nila ang importansya ng nursing staff na naging katuwang din ng pasilidad sa mga nakaraang outbreaks.
“We considered them important partners in the promotion of our mission and vision as the referral center of infectious diseases in the Philippines.”