Inirereklamo ng isang grupo ang umano’y kakulangan ng suporta sa mga nurses ng San Lazaro Hospital na abala sa paghakaw ng mga pasyente sa COVID-19.
Sa isang statement sinabi ng Filipino Nurses United (FNU) na overworked na at kulang sa proteksyon ang mga nurse at iba pang health workers ng ospital.
“Nursing staff and other health workers are treated as robots not human being,” ayon sa grupo.
May higit 40 empleyado na raw ng ospital — doktor, nurse, administrator, aides, at iba pang staff — ang positibo sa COVID-19.
“With more than 20 of those are admitted in the hospital COVID wards and others quarantined at home while waiting for vacancy of hospital beds to accommodate them.”
Dagdag pa ng grupo, isang N95 face mask lang ang ipinamimigay sa nursing staff na nagta-trabaho ng 12-hour duty.
Dahil dito, maraming doktor na raw ang napilitang bumili ng sariling personal protective equipment.
Ayon sa FNU, kulang din ng staff na tatao sa binuksang extension ng pasilidad para sa dagdag na COVID-19 beds.
Una nang kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang pahayag ng pamunuan ng ospital na malapit nang mapuno ang kanilang allocated beds para sa confirmed cases.
“San Lazaro Hospital is always ready to accept additional cases when the need arises. According to Dr. (Edmundo) Lopez (hospital director), they are currently preparing extra beds for additional patients if and when it will be needed.”