HK
San Carlos Maayos and Grace Guardians

Masayang isinagawa ng San Carlos Maayos Association in Hong Kong at Grace Guardians Central Branch ang kanilang taunang Christmas Party.

Ginanap ito sa Cenral District sa Hong Kong na pinangunahan ng kanilang founder na si Mar De Guzman mula sa Lungsod ng San Carlos Pangasinan.

Napili nila ngayong taon ang motto na “Connect, Understand and Help Each Other”.

Binubuo ng grupo ng mga Overseas Filipino Workers mula sa San Carlos City at ibang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang drivers at helpers.

Layon ng nasabing samahan na tulungan ang bawat isa kabilang ang kanilang pamilya na nasa Pilipnas lalo na tuwing sila ay may problemang personal at pinansiyal.