cocaine Camsur
Cocaine recovered in Paracale, Camarines Norte (file photo)

(Update) LEGAZPI CITY — Ipapadala sa Australia ang kukuning sample ng cocaine na nadiskubre ng dalawang mangingisda sa Minaulang Palay Shore ng Brgy. Calanaga, Rapu-Rapu, Albay.

Una rito, napag-alaman sa isinagawang laboratory examination na positibong cocaine ang nakitang isang bloke ng droga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol spokesperson Cotton Talento sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagkakahalaga ng P5.4 milyon ang 1,019 grams na iligal na droga.

Kailangan umanong ipadala ang sample cocaine sa Australia para sa kaukulang eksaminasyon kagaya ng ginawa sa mga naunang nadiskubreng cocaine.

Dagdag pa ng opisyal na oras na ma-comply ang mga requirements, sisirain na ang nakuhang iligal na droga.

Matatandaang nakuha ang nasabing droga ng magkapatid na mangingisda na sina Adonis Bellen at Alvin Bellen sa nasabing baybayin.