Ibinulgar ng aktor na si Sam Milby na nobya na niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Rebelasyon ito ni Milby sa kanyang naging post sa Instagram nitong Sabado, Mayo 23, na nataon sa selebrasyon ng kanyang ika-36 taong kaarawan.

Makikita sa larawan na kapwa nakangiti sina Sam at Catriona habang nakayapos sa isa’t isa.

Sa caption, inihayag ng aktor na ito ang kanyang “most special birthday”.

Ibinahagi rin niya sa ilang salita ang nararamdaman sa pag-iibigan nila ni Catriona: “Worth every second of the wait.”