sea games cauldron bcda
SEA Games cauldron/ Photo courtesy of Bases Conversion and Development Authority

Maituturing na “Imeldific” daw ang (gigantic kaldero) cauldron-type structure na gagamitin para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, makatwiran ang ginastos ng pamahalaan para sa istraktura na ito.

Giit nito, maaaring maging simbolo ng pag-unlad ng Pilipinas at pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at gobyerno ang naturang istraktura.

Nababagay lamang ang aniya’y “kaldero” na ito sa bago at “bolder character” ng mga Pilipino.

Nauna nang kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang P50-million estimated costs para sa design at konstruksyon ng stadium cauldron para sa SEA Games.